WebClick Tracer

METRO

Senglot na task force disiplina staff namaril ng 3 bagets

ABANTE TONITE

Restaurant sa Sitio Balete, Sariaya, matapos ang insidente nitong Miyerkules.

Patay ang tatlong magkakaibigang binatil­yo matapos umano silang pagbabarilin ng nakainom na tauhan ng Task Force Disiplina nang sitahin sa pagtambay sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City, mada­ling-araw nitong Lunes, Oktubre 12.

Kinilala ang biktima sa mga alyas na Alcadan, 18-anyos, Grade 12; “JGCO”, 16; at “Suarez”, 19, out-of-school youth, pawang taga-Brgy. Batasan Hills.

Sa ulat ng Batasan Police Station ng Quezon City Police District, alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Senatorial Street at Batasan-San Mateo Road.

Sa paunang imbestigasyon, sinita umano ang mga binatilyo ng suspek na si Alvince Tolentino, 38, tauhan ng Task Force Disi­plina na pinamumunuan ni Quezon City Councilor Rannie Ludovica, dahil sa pagtambay sa kalsada sa dis-oras ng gabi. Lasing umano ang suspek nang mangyari ang insidente.

Nang pabalang umanong sumagot ang mga biktima, nagalit ang suspek at bumunot ng baril.

Nagtakbuhan ang grupo patungo sa Batasan-San Mateo Road. Hinabol umano sila ng suspek sakay ng motorsiklo at nang maabutan sa isang eskinita, pinagbabaril sila bago tumakas.

Nadakip sa follow-up operation si Tolentino, na kinumpiskahan ng pulang Honda ADV 160 at kalibre .38 na rebolber na may mga bala.

Nasa kustodiya na siya ng pulisya habang inihahanda ang 3 bilang ng kasong murder sa Quezon City Prosecutor’s Office. (Dolly Cabreza)