Mag-isang magiging pambato ng ‘Pinas at International Container Terminal Services, Inc. si Chanelle Avaricio sa 2nd Straits Cup Ladies Classic sa Tianjin Songjiang Tuanbo Lake Golf Club (CD Course) sa Tianjin, China na sisiklab ngayong Miyerkoles, Setyembre 2.
May dalawa dapat siyang kasama na kapwa mga kumakampanya sa Ladies Philippine Golf Tour, pero umtras ang mga ito sa huling saglit.
Ang CNY800,000 (P7.4 million), 54-hole, 3-day event ang magsisilbing ika-10 bahagi ng 16-leg 28th China Ladies Professional Golf Association Tour.
Magiging prerasyon na rin ito ni Avaricio para sa pagsambulat ng pang-anim na may 9-leg 13th LPGT sa Set. 8-10 sa Lipa, BatAngas, at sa Kendra Tire Cup, ang LPGT-Taiwan LPGA co-sanctioned championship sa Sept. 23-25 sa Taichung International Golf Club sa Taiwan.
Sinukbit niya ang kanyang CLPGA Tour card sa career-best tie-9th sa Qualifying School noong Enero sa Wanning, Hainan Island.
Ang mga finish niya sa leg ng China circuits ay T14 sa Moutai Singapore Ladies Masters (CLPGA co-sanctioned) noong Hunyo, T22 sa Orient Master Beijing Women’s Open noong Mayo, T25 sa Li-Ning 1990 China Golf Women’s Legacy noong Abril-Mayo, T30 sa Tianjin Women’s Open, at T38 sa Chongqing Women’s Open na pareho noong Abril. (Ramil Cruz)











