WebClick Tracer

METRO

Tsikot lumiyab sa NLEX

ABANTE TONITE

Nilamon ng apoy ang isang sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) Southbound sa bahagi ng Bocaue, Bulacan nitong Martes ng umaga, Setyembre 1.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente bandang alas-9:32 ng umaga pagkatapos ng Bocaue Toll Exit at bago ang Philippine Arena Exit. Ang nasabing nasunog na sasakyan ay isa umanong Toyota Avanza.

Sa video na kuha ng netizen na si Patrick Tolentinas, makikitang nilalamon pa ng apoy ang sasakyan habang nasa gitna ito ng daloy ng trapiko.

Ayon kay Tolentinas, naabutan na raw nilang nasusunog ang sasakyan.

Patuloy pa ang im­bestigasyon ng pulisya sa nangyaring insidente. (Issa Santiago)