WebClick Tracer

METRO

2 pasahero ng sasakyang nahulog sa tulay, bangkay na natagpuan

ABANTE TONITE

Natagpuan na ang labi ng dalawang pasahero na sakay ng sasakyang nahulog sa Agana Bridge sa Tarlac City kasunod ng pagguho ng bahagi nito noong Sabado.

Unang kinumpirma ni Tarlac City Mayor Susan Yap sa isang Facebook post nitong Lunes ng gabi ang pagkakatagpo sa unang bangkay.

“Ngayong araw, natagpuan na po si James Patrick Taborlupa sa Brgy. Carael, Dagupan, Pangasinan. Isa po siya sa mga sakay ng sasakyang nahulog sa Agana Bridge noong Agosto 29, 2026,” ani Yap na nagpaabot din ng taos-pusong pakikiramay sa pamil­ya ng biktima.

Kasunod nito, narekober na rin ang isa pang bangkay sa Brgy. San Vicente, Bayambang, Pangasinan hapon nitong Martes.

Patuloy ang search, rescue at retrieval operations para sa dalawa pang indibidwal na hindi pa natatagpuan.