WebClick Tracer

METRO

Big-time tulak nadakma sa P14.28M `bato’

ABANTE TONITE

Arestado ang 33-anyos na bigtime tulak at nakalista bilang high-value individual (HVI) matapos makum­piskahan ng P14.28 milyong halaga ng shabu sa Ermita, Maynila, noong Lunes ng hapon.

Sa ulat kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge PBGEN. Christopher N. Abrahano, alas-5:10 ng hapon nang madakip ang suspek sa Maria Orosa Street, Barangay 666, Zone 72 ng Manila Police District Drug Enforcement Unit (MPD-DEU).

Nakumpiska sa supek ang 2,100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P14.28 milyon.

Ang naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng MPD-DEU at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs) at 11 (Possession of Dangerous Drugs) sa ilalim na Republic Act No. 9165, otherwise known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dolly Cabreza)