
Nagkainitan umano sa isang condo ang aktor na si Kelvin Miranda at isang sumita sa kanya dahil sa illegal parking. May recording siya sa naturang lugar .
Ayon sa aming source, tinetiketan umano ang aktor at siningil ng P5,000 penalty dahil sa violation.
Hindi naman daw agad pumayag ang aktor at nakipagtalo umano sa sumita sa kanya.
Maangas umano ang naging pakikitungo sa kanya ng sumita kaya hindi raw ito pinalampas ni Kelvin at nauwi sa mainitang pagtatalo.
Pero ano nga ba talaga ang nangyari?
Sa celebrity screening at mediacon ng pelikulang ‘Poon,’; kinausap namin si Kelvin para malaman ang kanyang panig tungkol sa insidente.
Ayon sa aktor, naayos naman daw sa bandang huli ang kanilang hindi pagkakaunawaan matapos ang saglit na pag-iinitan.
Tutukan ang buong detalye at paliwanag ni Kelvin aming exclusive report sa Teletabloid ngayong Martes, 12 PM ng Abante News TV. Mapapanood at mapapakinggan sa DWAR 1494 , Mag-stream sa DWAR Abante Radyo Facebook page at YouTube channel , Cignal Channel 30, Sky TV Channel 40, Converge Channel 79, TCL Smart TV, Blast TV, K5 News FM, Samsung TV Plus, Parasat Cable TV in Mindanao, Amasian TV North America.
Samantala, tungkol naman sa kanyang pelikulang POON, tatlong taon bago tuluyang nakumpleto.
Pinangunahan ito ni director Adolfo Alix Jr., mula sa panulat ni Jerry B. Gracio, at produced ng Banana Entertainment at C-Frame Production.
Kabilang sa all-star cast sina Gina Pareño, Janice de Belen, Lotlot de Leon, Ara Mina, Allen Dizon, JC de Vera, Bembol Roco, Martin del Rosario, Althea Ablan, Joao Constancia, Nella Dizon, Iyah Mina, Elora Espano, Kristel Moreno, William Lorenzo, Rico Barrera, Kiko Ipapo, Aaron Hewson at Will Ashley.
Kasama rin sa pelikula sina Ronaldo Valdez at Jaclyn Jose, na parehong pumanaw habang hindi pa tapos ang production.
Nagsimula ang pelikula noong 2023, pero sunod-sunod ang naging hamon mula sa problema sa pondo, masamang panahon, availability ng napakaraming artista, hanggang sa pagpanaw nina Ronaldo at Jaclyn.
Natapos lamang ang principal photography noong September 2025, habang natapos naman ang post-production noong February 2026.
Nagkaroon na rin ng world premiere ang POON sa Moscow International Film Festival noong April 2026.
Matapos ang ilang taon ng paghihintay at maraming pagsubok, mapapanood na rin ito sa mga piling sinehan sa buong bansa simula September 9..











