Baby boy ang hula ng karamihan sa ipinagbubuntis umano ni Sarah Geronimo. Nabuo ang duda nila dahil sa selfie ni Sarah sa Instagram.
Ang bagong look ng Popstar Royalty ang naging mitsa ng matinding espekulasyon na buntis siya at lalaki ang gender ng baby.
Noong huling linggo ng Agosto 2026, ipinakita ni Sarah ang kanyang bagong hairstyle. Kasunod ng kanyang gupit, nag-post si Sarah ng kanyang bagong kulay na buhok sa pagpasok ng buwan ng Setyembre.
Ang hairstyle ay itinuturing pa rin ng marami bilang isang magandang “style update” habang hinihintay ang
opisyal na kumpirmasyon ng mag-asawa.
Maraming netizen ang pumuna na mukha siyang napakaganda at “blooming,” na karaniwang senyales umano ng nagdadalang-tao.
Bagaman up to now ay nananatiling tikom ang bibig ni Sarah at ngasawa na si Matteo Guidicelli.
Pero inunahan na sina Sarah at Matteo sa pagsabi ng gender ng baby.
“Boy ata”
“Aty. Woo Young Woo ng Pinas!”
Duda pa ng netizen nasa second trimester na raw si Sarah sa kanyang pagbubuntis.
Meaning, more than four months na umanong preggy si Sarah if true ang tsika. (Julie Bonifacio-Gaspar)











