WebClick Tracer

Tim Cone may mga klinaro kay Kai Sotto, Miami Heat

ABANTE TONITE

Binigyang-pansin ni coach Tim Cone na ang komento niya tungkol sa NBA dream ni Kai Sotto ay nagmula sa pribadong tsikahan.

Nakikipag-usap siya sa sportswriters bago ang pormal na press conference pagkatapos ng 68-56 win ng Gilas Pilipinas sa Iran sa window 4 ng 20th FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers sa SM Mall of Asia Arena noong Linggo, Aug. 30.

Kung may magagawa siyang kahit anong tulong, gusto aniya niyang ibigay sa 7-foot-3 center.

Sa usapan na ‘yun ay nabanggit ang Miami Heat.

“I don’t have the kind of relationship that I can go and recommend to the Miami Heat,” wika ni Cone. “But, you know, if there is a possiblity, I would love to help him. I truly believe he should be in the NBA.”

Matagal nang nagpupursigi si Sotto para makapasok sa NBA.

Ilang taon na ang nakakaraan ay nagbalak magpa-draft pero bandang huli ay hindi rin tinuloy.

Kitang lumaki ang balikat, nagkalaman at solido na ang katawan ni Sotto.

Dinomina ng 24-year-old ang dalawang laro ng Pilipinas sa FIBA window na nagresulta sa 82-81 overtime win sa Jordan bago winasiwas ang Iran. (Vladi Eduarte)