STANDING
TEAM W L
Crealime 2 0
Nxled 1 1
Farm Fresh 1 1
PLDT 1 1
EST Cola 1 1
Ho Chi Minch 0 2
Mga laro sa Huwebes
(Smart Araneta Coliseum)
1:30 pm – Farm Fresh vs Creamline
4 pm – Ho Chi Minh City vs PLDT
6:30 pm – EST Cola vs Nxled
Nagposte si Jessica Margarett “Jema” Galanza ng 12 points, 10 digs at 6 receptions upang giyahan ang Creamline na paspasang walisin ang Ho Chi Minh City Volleyball Club-Vietnam, 25-18, 25-16, 25-6, at solohin ang tuktok ng 10th Premier Volleyball League 2026 Invitational Conference prelims sa Smart Araneta Coliseum nitong Martes ng gabi, Setyembre 1.
Umiskor ng 17 si Galanza nang laklakin din ng Cool Smashers ang EST Cola ng Thailand noong Lunes sa 4-set sa 6-team tournament na inoorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.
Mag-isa na sa liderato ang mga alipores ni coach Sherwin Meneses, atat pahabain ang ratsada sa 3-0 pagharap sa Huwebes, Set. 3 sa Quezon City playing venue pa rin laban sa Farm Fresh.
Naiwan ang mga Vietnamese na wala pa ring panalo, namemeligrong makasulong sa semifinals sa preseason volleyfest na karugtong ng PVL On Tour Showdown.
Kinapos naman ang 15 markers ni Trisha Tubu para mabilasa ang Foxies (1-1) kontra Thais (1-1), 25-21, 25-16, 25-22.
At sinilat ng Nxled (1-1) ang defending champion PLDT (1-1), 25-19, 25-22, 25-20. (Lito Oredo)











