Sino raw itong politiko na nanggigil sa isang umbrella girl nang maglaro sa isang golf course sa Metro Manila?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, nakursunadahan daw ng politiko itong umbrella girl dahil bukod sa maganda na, bata pa as in nasa 20-anyos pa lamang.
Sa unang hole pa lang, dumiskarte na itong politiko at inilarga ang kanyang “da moves” pero inisnab lang siya ng magandang bebot.
Nasa kalagitnaan na raw ng front nine ang grupo nang prangkahin na ni politiko itong girl na gusto niyang maka-hole-in-one dito kapalit ng malaking datung.
Working student itong girl pero hindi nag-offer ng scholarship si politiko dahil one-time bembang lang talaga ang pakay nito sa babae.
Noong nasa back nine na raw ang grupo, doon na dumapo ang kamay ni politiko sa back ng babae as in pinisil ang wetpaks nito.
Imbes na hatawin ng 9-iron ang dalawang balls ng lalaki, nagtimpi raw itong girl at umiwas na lamang sa manyak na politiko dahil takot umano itong mawalan ng trabaho sa golf course kapag binaligtad ng politiko ang insidente.
Clue: Ang politiko ay kilalang matabil ang bibig at iniintrigang tsikboy as in puwede sa tsiks, puwede sa boy.











