WebClick Tracer

TONITE HULAAN BLUES

Mga luxury car ng politiko ipinarada sa iskul

ABANTE TONITE

Sino raw itong politiko na ipinarada ang kanyang mga luxury car sa isang eskuwelahan?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, mistulang ginawang garahe raw ng politiko ang parking space ng eskuwelahan, hindi man lang naisip na baka mabutasan siya sa pagdidisplay ng yaman.

Kaya naman daw malakas ang loob ng politiko na iparada ang mga luxury car sa eskuwelahan ay dahil ang pamilya nito ang nagmamay-ari kaya walang sisita kahit abutin ito ng ilang linggo, buwan o taon pa.

Isa rin sa marahil iniisip ng politiko ay safe iparada ang mga sasakyan nito sa eskuwelahan dahil elevated parking ito at hindi kayang abutin ng tubig baha.

Madalas kasing bahain ang lugar ng politiko kahit daang milyong piso na ang ginastos ng gobyerno sa mga flood control project dito.

Ang classic nito, kapag ito ay ini-interview, sinasabi niyang payak lang ang kanyang lifestyle, kahit na sangkatutak ang nakaparadang luxury car.

Clue: Ang politiko na ginawang garahe ng luxury car ang parking space ng eskuwelahan ay may letrang O sa apelyido as in OMG!