Sino raw itong politiko na ayaw hiwalayan ang kabit kahit nabisto na ito ng kanyang asawa at mga anak?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, mahal daw ng politiko ang kanyang asawa at mga anak at nangakong hindi niya ito pababayaan anuman ang mangyari sa kanyang buhay politika.
Isang beses, nakilala ng politiko ang isang magandang tsiks sa tulong ng sikat na basketball player sa isang party. Simula noon, nahulog na raw ang loob ng politiko sa tsiks, niligawan hanggang makuha ang matamis na “oo”.
Kahit alam ng tsiks na may asawa at mga anak na ang politiko, aba’y nakipagrelasyon pa rin ito, palibhasa’y mahaba – este malalim ang laman ng wallet ng karelasyon kaya tumihaya na lang ito.
Ang masaklap, dahil nasa iisang siyudad lang ang haybol ng politiko at ang condo ng kanyang binabahay na tsiks, hindi maiwasang magkrus ang landas ng mga ito at gumawa ng eksena sa establisimiyento.
Sa kabila nito, nangako umano ang politiko na hindi niya iiwan si legal wife dahil ito ang true love nito. Itong si other woman naman, okay lang sa kanya na maging parausan basta tuloy ang sustento ng kanyang lover.
Clue: Ang politiko na ayaw makipaghiwalay sa kabit kahit nabisto ng kanyang misis ay may letrang S sa kanyang pangalan as in swak sa banga.











