Sino raw itong babaeng politiko na umepal sa mga batang estudyante sa kanilang lungsod?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, naglunsad umano ng programa ang politiko para pakainin ang mga batang mag-aaral sa kanilang lungsod.
Actually, dati na raw itong programa ng kanilang lungsod pero nang manalo itong politiko noong 2025 elections, aba’y binago ang pangalan ng programa upang maging akma sa kanyang apelyido.
Ang classic nito, inilunsad pa raw ng hitad ang programa kahit ni-recycle lamang niya ang dating proyekto upang maikabit ang initial ng kanyang apelyido.
Maraming magulang tuloy ang naimbiyerna sa political branding, aba’y pagkalaki-laki ba naman kasi ng letra, kulang na lamang ay ilagay ang mukha ng lady politician.
Clue: Ang lady politician na nag-recycle ng lumang proyekto para mailagay ang unang letra ng kanyang apelyido ay mahirap hanapin sa dilim.











