
Marami ang nakapuna na hindi raw nagpapansinan sa stage sina Shuvee Etrata at AZ Martinez sa isang anniversary concert .
Noong una ay magkatabi pa ang dalawa nang pumasok sa stage pero noong naglaon ay lumipat si AZ sa tabi nina Josh Ford at Michael Sager.
Totoo bang apektado pa rin ang dalawa dahil sa issue na sinisiraan umano ni AZ si Shuvee sa social media?
Pagkatapos ng performance nila ay binuko ng mga ex-housemate ang isa”t sa pamamagitan ng kanilang fast talk. Ang unang tanong ay sino or ano raw ang na-miss nila sa loob ng ‘Bahay ni Kuya’?
Nagtanong si Charlie Fleming kung sino raw ang pinaka-masungit na housemate sa umaga?
Sabi ni Mika sa fans “O pag-isipan nyo muna ha kung sino ha bago ninyo isigaw ang sagot ha.”
Pero, walang isinigaw ang mga fan at binanggit ba pangalan ng housemates. “O ayan ha, wala isinigaw ang mga fans ha,,” sabi ni Michael Sager
Nagtanong naman si Vince Maristela kung sino ang pinaka-Marisol sa bahay?
Biglang may sumigaw na ilang fans na si Shuvee raw.
“Tahimik na nga ako rito. Grabe naman kayo. Ako ba? Oo nga kami ni Moms (Klarisse.Nakakahiya naman ito guys, wait lang feeling ko mayroon pang ibang answer, wala talaga ?Ako lang ba talaga?”natatawang sabi ni Shuvee.
“Ikaw ang sinisigaw nila ,eh,” sabi pa ni Michael
“Last na, kanino naman kayo pinakakinilig?” tanong ni Mika
Biglang nagtiliian ang mga fan.
Sabay tanong ni Michael, “Sinong kinilig sa MikBrent? Sa WilCa? Sa DustBia? Sa AZRalph? KiSh ba?”
Kanya-kanyang sigawan ang mga fan ng pangalan ng kanilang mga idolo.
Pak!











