
Pawisan pero amoy mabango pa rin tingnan si Jake Ejercito sa mga larawang pinost niya mula sa pagtakbo niya sa Sydney Marathon last Sunday.
Matagumpay na tumakbo at nakatapos si Jake sa naturang marathon sa Australia.
Sigaw nlya sa caption, “Absolutely brutal! But one pretty damn good Sunday in Sydney.
“Second major in the books”
Proud na binanggit pa ni Jake ang bagong personal record (PR) niya sa pagtakbo.
Naitala niya ang kanyang bagong personal best time na 3 oras at 28 minuto para sa 42.2-kilometer na distansya. Ito angikalawang pagkakataon na makatapos ng isang major marathon si Jake.
Ibinahagi niya sa kanyang mga social media accounts ang kanyang saya at mga larawan habang tinatahak ang sikat na Sydney Harbour Bridge patungo sa finish line sa Opera House.
Marami ang bumati kay Jake and at the same time, nabanguhan pa rin sa aktor kahit basang-basa sa pawis.
“Congratulations! and confirmed na po-hindi lang kayo mukhang mabango, mabango talaga kayo in person
“Buwahahahaha. Chrueeee super bait pa! Wala akong masabi”
“Masyado ngang pogi”
Trulili.











