WebClick Tracer

NEWS

AMLC: Korte binakuran ari-arian ng mambabatas

ABANTE TONITE

Nakatanggap ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng court order para ma-freeze o pansamantalang mapigilan ang paggalaw ng mga asset ng isang mambabatas.

Ayon sa AMLC, ang naturang mambabatas ay iniuugnay sa mga government contract na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso.

Bahagi naman umano ng court order ng patuloy na hakbang ng mga awtoridad upang matunton ang daloy ng perang posibleng konektado sa mga ilegal na aktibidad.

Hindi naman tinukoy ng AMLC ang pangalan ng mambabatas o nagbigay ng detalye kung kanino nakapangalan ang mga asset na saklaw ng kautusan ng korte.

Ilang indibiduwal na sangkot sa flood control scandal ang ipina-freeze ang ari-arian, isa na rito si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na hindi magalaw ang P12 bilyong asset. (Angelica Malillin)