WebClick Tracer

NEWS

Speaker Bojie Dy binida na ibabangon Kongreso

ABANTE TONITE

Nanawagan si Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga miyembro at empleyado ng Kamara de Represen¬tantes na ipagpatuloy ang pagtutulungan upang bumuo ng mas maayos na Kongreso.

“Mapalad po ako sapagkat ang mga naging kasama ko ay hindi tayo sumuko—lumaban tayo. Lumaban tayo, ibangon ang Kongreso. Salamat sa tiwala,” sabi ni Dy sa isang surprise birthday activity na inorganisa ng mga lider, opisyal, at empleyado ng House.

Sinabi ni Dy, na nagdiwang ng kanyang ika-65 kaarawan noong Agosto 31, na marami pang kailangang gawin, at hinimok ang lahat ng nasa Kamara na manatiling nakatuon sa paggawa ng tama at muling pagbubuo ng tiwala ng publiko sa Kongreso.

“Mahaba pa ang laban natin. Nakakapagumpisa pa lang tayo. Pero dapat lalo natin ipaglaban ang tama at ipaglaban natin ibangon ang Kongreso sa tulong ng bawat isa,” sabi ng lider ng Kamara.

“Palakasin pa natin ‘yung ating paniniwala na kayang-kaya nating ibangon ang Bagong Kongreso,” dagdag pa nito. (Billy Begas)