WebClick Tracer

Erika Satos, Ivy Lacsina buwelta mga nasa utak

ABANTE TONITE

STANDING

TEAM W L

Nxled 1 0

Creamline 1 0

Farm Fresh 1 0

Choco Mucho 1 0

Capital1 0 1

Galeries Tower 0 1

Akari 0 1

PLDT 0 1

ZUS 0 0

Mga laro ngayon

(Ynares Center Antipolo)

1 pm – Akari vs Capital1

6 pm – Choco Mucho vs ZUS Coffee

Parehong nabalewala ang mga pabida sa kani-kanilang tropa nina Erika Mae Santos sa Capital1 at Ivy Keith Lacsina sa Akari sa unang mga salang noong Sabado sa 10th PVL All-Filipino Conference 2026 Siklab Leg elims.

Kayod si Santos ng 22 points bakasan pa ng tig-15 sina Mhicaela Belen at Rachel Victoria Jorvina, pero salampak ang Solar Spikers sa marathon 5-set kontra Choco Mucho, habang may 12 si Lacsina sa pagkapundi ng Chargers laban sa Creamline sa straight sets.

Parehong kinalimutan na nila iyon patungo sa sa ala-1:00 ng hapong girian ngayong Huwebes, Oktubre 15 sa Ynares Center sa Antipolo sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.

Magpapang-abot din sa alas-6:00 ng gabi ang Cool Smashers at binyagang ZUS Coffee, na rito’y patok ang una sa Thunderbelles.

Si Jessica Margarett Galanza ang malamang manguna muli sa defending champion Creamline makalipas ang 16 na iniskor sa unang sabak. (Lito Oredo)