WebClick Tracer

METRO

Pulis sa Taguig road rage, tuluyang sinibak

ABANTE TONITE

Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ng National Police Commission (Napolcom) ang pulis na sangkot sa umano’y pananakit sa isang 76-anyos na senior citizen kasunod ng pagtatalo sa trapiko sa Taguig City.

Sa pahayag nitong Miyerkoles, sinabi ng Napolcom na nagkakaisang nagpasya ang komisyon sa en banc na tanggalin sa serbisyo si Police Corporal Simeon Dimaala Suan.

Napatunayang nagkasala si Suan sa dalawang bilang ng less grave misconduct, dalawang bilang ng grave misconduct, oppression at conduct unbecoming of a police officer.

Bukod sa pagkakasibak, ipinataw rin sa kanya ang forfeiture of benefits, at permanenteng diskuwa­lipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan. Iniutos din ng komisyon na ipadala ang kopya ng desisyon sa Office of the Bar Confidant dahil aplikante umano si Suan sa Philippine Bar.

Matatandaang nagkainitan sina Calinisan at Suan sa isang press conference noong Hunyo matapos punahin ng pulis ang commissioner at sabihing huwag siyang gamitin para magpapogi sa media. (Angelika Cabral)