Playoff mode na sina George King at June Mar Fajardo, mukhang ready na ang San Miguel Beermen para manalasa sa playoffs ng PBA 50 Governors Cup.
Nagliyab si King ng 44 points, 30 dito sa middle quarters para ihatid ang Beermen sa 135-105 win laban sa Terrafirma sa Ninoy Aquino Stadium nitong Miyerkoles ng gabi, Oct. 14.
Epektibong 11 of 18 sa floor, 4 for 6 sa 4-point range.
Si JMF, tumapos ng 25 points, 12 rebounds sa 9/11 shooting sa Beermen na dumistansiya hanggang 96-67.
Sa record ni chief of stats Fidel Mangonon III, si King ang unang player sa isang conference na dalawang beses na 4-for-4 sa free throws matapos ma-foul habang tumitira sa 4-point line.
Ginawa rin ito ng eksplosibong import 4.7 seconds na lang sa third quarter ng 143-105 win kontra Titan Ultra noong July 29.
Si Fajardo, maagang rumatsada at naglista na ng 17 points sa first half – conference-high na ng nine-time MVP, binura ang 15 kontra NLEX noong July 26.
Ikinalat ni Fajardo ang 13 sa kanyang personal conference-high points at kinalawit ang 9 boatds sa second stanza nang mula sa 5-point deficit at umalagwa sa 64-47 lead ang SMB sa half.
Nakabawi ang Beermen mula 116-98 loss sa TNT noong Sabado, umangat sa 8-3 sa likod lang ng No. 1 NLEX (8-2).
Pasok na sa quarterfinals ang San Miguel, puwestuhan na lang dahil toka pa nila ang Road Warriors sa Oct. 21.
“Ni-remind kami ni Papa (Austria) na must-win kami sa game na ‘to kasi nga crucial sa amin ang standing,” ani Fajardo. “‘Pag natalo kami, magiging magulo ang standing namin kaya kailangan naming i-secure itong panalong ‘to.”
May 22 points sa 4/6 shooting sa 3s pa si CJ Perez sa SMB.
Out na ang Terrafirma sa 4-7, hindi nakuha ang panalo sa huling laro sa elims sa kabila ng 28-9 ni Justin Strings at 23 markers, 9 assists ni Maverick Ahanmisi.
Iskor
San Miguel 135 – King 44, Fajardo 25, Perez 22, Trollano 13, Lassiter 8, Teng 7, Cruz 5, Hernandez 5, Calma 4, Cahilig 2, Ross 0, Tautuaa 0, Brondial 0, Mantua 0.
Terrafirma 105 – Strings 28, Ahanmisi 23, Umali 12, Tiongson 10, Chiu 8, Bravo 5, Adamos 5, Miller 4, Eriobu 2, Paraiso 2, Mariano 2, Zaldivar 2, Hanapi 2, Garcia 0, Catapusan 0.
Quarters: 28-27, 64-47, 105-80, 135-105. (Vladi Eduarte)











