Sino raw itong babaerong gobernador na mukhang santo sa kanyang mga tarpaulin?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, tatakbong mayor daw ng isang siyudad itong si governor kaya naman pinakalat na nito ang mga tarpaulin sa target nitong lugar.
Ang nakakatawa lang umano, lahat daw ng tarpaulin nito ay pormang nagdadasal siya, tipo bang para siyang santo na walang kasalanan.
Alam naman ng kanyang mga kababayan ang mga babaeng na-link sa gobernador kaya naman katawa-tawa umano ang hitsura ng opisyal sa mga tarpaulin.
Duda naman ang ilang Marites kung mananalo si governor bilang mayor ng isang malaking siyudad sa lalawigan dahil kontrolado ito ng political clan.
Kumbaga, dadaan umano sa butas ng karayom si governor para lang manalo sa miyembro ng political dynasty ng isang maperang siyudad.
Clue: Ang governor na mukhang santo sa tarpaulin kahit kilalang babaero ay may letrang L sa kanyang pangalan as in lover boy.











