WebClick Tracer

TONITE HULAAN BLUES

Politiko ginapang 16 yorme para maging governor

Sino raw itong politiko na ginagapang ang tinatayang 16 mayor sa kanilang lalawigan para masuportahan ang kanyang pagtakbo bilang gobernador?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, mistulang pinakyaw daw ng politiko ang mga mayor sa probinsiya, maliban sa ilang alkalde na tatakbo rin bilang governor o susuporta sa ibang kandidato.

Halos dalawang taon pa bago ang 2028 elections, nagsimula na umano ang politikong gumalaw matapos niyang imbitahan sa isang pagtitipon ang mga alkalde, bise alkalde at mga konsehal.

Mukhang hindi lang daw nagdasal ang politiko para makuha ang suporta ng mga mayor, posibleng nangako rin ito ng malaking campaign fund sa sinumang kakampi sa kanya.

Marami ang nagsasabi na paldo ngayon ang politiko dahil sa mga nakuhang kickback sa proyekto, bukod pa sa malapit na ito ngayon sa kusina ng Malacañang dahil sa naikasang deal.

Ang tanong na lang ngayon ay kung sapat ba ang naipon niyang pera para ipamudmod sa eleksiyon.

Clue: Ang politiko na ginapang ang 16 mayor sa kanilang probinsya ay may letrang O sa kanyang pangalan as in OMG!