WebClick Tracer

METRO

Armscor warehouse lumiyab, mga bala pumutok

ABANTE TONITE

Nasunog ang bodega sa compound ng Armscor sa Fortune, Marikina City, gabi ng Martes kung saan narinig ng mga residente sa paligid ang sunod-sunod na pagputok ng mga bala mula sa lumiyab na gusali.

Ayon kay Jho Ibay, assistant vice president for corporate relations ng Armscor, mabilis na rumesponde ang mga bumbero sa insidente. Wala rin umanong empleyadong nasaktan sa sunog.

Nagsimula ang sunog pasado alas-8:00 ng gabi, habang idineklara itong fire out alas-12:41 ng hatinggabi. Ang Armscor ay kompanyang gumagawa ng mga baril at bala.

Ipinauubaya na ng kompanya sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng sunog at iba pang detalye ng insidente.

Hindi muna nagbigay ng pahayag ang BFP dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon. Wala namang naiulat na nasawi sa insidente. (Janze Macahilas)