WebClick Tracer

NEWS

Green GSM ni Vietnamese bilyonaryo Pham Nhat Vuong tadtad ng reklamo

ABANTE TONITE

Nanawagan si House Committee on Transportation chairperson at Quezon City Rep. Franz Pumaren sa mga ahensiya ng gobyerno na imbestigahan ang mga reklamo ng mga pasahero at driver laban sa Green GSM na nag-o-operate ng mga electric taxi sa buong bansa.

Sinabi ni Pumaren na dapat ding tingnan ng pamunuan ng Green GSM ang mga alegasyon laban sa kanila at ituwid agad ang mga pagkakamali.

“The Committee will look into this matter immediately upon the resumption of Congress,” sabi ni Pumaren.

“DOTr, LTFRB and DOLE should investigate these serious complaints as it not only violates employee rights but compromises passenger safety as well,” dagdag ng mambabatas.

Ilang indibidwal ang naglahad sa social media ng kanilang mga reklamo laban sa Green GSM.

Isa sa mga nagreklamo, si kseven25, ay nagsabing P125 lamang ang kanyang pamasahe ngunit mas mataas ang halagang siningil sa kanya ng driver.

“I saw that my fare was just P120.50. Then nung nagbigay ng QR si kuya, P139.50 ung chinarge nya. I was just wondering if there’s an extra charge pag cashless ang payment?” sabi ni kseven25.

Samantala, ibinunyag ng Threads user na si mackayeahhh na may mga driver ng Green GSM na sadyang dumaraan sa mas mahahabang ruta upang mapalaki ang pamasahe.

“GREEN GSM WARNING!!! NEVER EVER SLACK OFF! May mga GSM drivers talagang sinasadyang magkamali sa drive para tumaas ang rate,” sabi ni mackayeahhh. “Didn’t believe it before eh. Pero nung nangyari sakin, natakot ako. Akala ko ililigaw na kami.”

Samantala, nagpahayag ng pagkabahala si Carding Dimagiba tungkol sa mga driver na napipilitang magmaneho nang mas matagal upang maabot ang quota. Sinabi niya na ang orihinal na kasunduan ay P1,500 kada driver na may isang sasakyan. Gayunman, itinaas ito sa P5,000 kada sasakyan.

Ang Green GSM ay pagmamay-ari ng bilyonaryong Vietnamese na si Pham Nhat Vuong. (Billy Begas)