Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 46-member majority coalition sa Bangsamoro Parliament at ang plano nitong bumuo ng bagong pamahalaan sa pamamagitan ng parliamentary process.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Marcos na iginagalang ng national government ang awtonomiya ng Bangsamoro at ang kapangyarihan ng Parliament na magpasya sa pamumuno nito alinsunod sa Bangsamoro Organic Law.
Binati rin ng Pangulo ang mga halal na miyembro ng Bangsamoro Parliament kasunod ng kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Marcos, mahalagang igalang ang hangarin ng Bangsamoro na magkaroon ng sariling pamamahala, na bahagi ng proseso ng pagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon.
Nangako rin ang national government na makikipagtulungan sa pamahalaang pormal na bubuuin ng Parliament upang suportahan ang kapayapaan, katatagan at inklusibong pag-unlad sa Bangsamoro. (Prince Golez)











