WebClick Tracer

Tiffany Lee balik ang kinang! Wagi sa ICTSI Pueblo de Oro

ABANTE TONITE

Matagal na dalawang taon na naghintay si Juwon “Tiffany” Lee para mamayagpag muli, at nang dumating ang pagkakataopn, pinaglaban ang bawat tirada.

Namasdan ng Koreana na nakabase sa Maynila ang tila komportableng apat na palong kalamangang naglaho sa isang nakababahalang gitgitan sa unang siyam na butas sa ICTSI Pueblo de Oro Championship sa Cagayan de Oro nitong Miyerkoles, Oktubre 14.

Pero sa sandaling parang pawala na ang korona, pinasiklab ng 18-anyos ang determinasyon, kalmado, at pusong mandirigma na naging tanda sa batang karera, bumira ng isang clutch na back-nine rally upang talunin si Florence Yvon Bisera ng two-stroke sa pagtapos ng 72 at wakasan ang nakakabuwal na paghihintay para sa pangalawang propesyonal na tagumpay.

Hindi madali ito, pagsubok sa karakter ang pagsubi sa pangunahing premyong P162,500 sa iniskor na 4-under 212 total sa tatlong araw na kampeonatong inorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. Kasunod sa 2024 Splendido Taal win.

“It means a lot. It’s been hard not to win for a long time, and I wasn’t even getting close in 2025, which made me start doubting myself,” bulalas ni Lee, na pinasalamatan ang amang si Youngin Lee, nag-caddie sa kanya sa opening round.

Nagtala naman ng 70 si Bisera pa-214 para sumegunda habang nag-71 si Martina Miñoza pa-220 sa pagtersera. (Abante Tonite Sports)