Binakbakan nina Senate President Sherwin Gatchalian at Senador Panfilo Lacson ang pahayag ng kampo ni Vice President Sara Duterte na P500 milyong pondo ang nasayang sa loob ng 20 araw ng paglilitis matapos bawiin ng prosekusyon ang tinalakay na dalawang Articles of Impeachment.
Noong Miyerkoles, iginiit ni ng tagapagsalita ni Duterte na si Atty. Salvador Paolo Panelo Jr. na gumastos ang Senado ng P500 milyon mula sa pera ng taumbayan sa loob ng 20 araw ng paglilitis na inilaan sa Articles I at IV ng Articles of Impeachment, na kalauna’y binawi ng prosekusyon. Katumbas umano ito ng humigit-kumulang P25 milyon kada araw.
“The claim that the impeachment trial costs the Senate p25 million a day is completely untrue,” ayon kay Gatchalian.
Ang nasabing halaga ay katumbas aniya ng gastos ng buong Senado, kabilang na ang sahod para sa mga empleyado at senador, maintenance, rentals, at utilities na ginagastusan ng kapulungan kahit wala pang impeachment trial.
“The expenses directly attributable to the trial totaled P14,553,561.70 over 44 trial days, or an average of about P330,763 per day. These covered meals for personnel during extended sessions, supplies, overtime pay, and the rental of an outside venue for budget deliberations, as the trial occupied most of the Senate’s available rooms,” paliwanag ni Gatchalian.
Samantala, iginiit ni Lacson na dapat itama ni Panelo ang pahayag nito tungkol sa gastos ng impeachment court.
Sabi Lacson, maaaring “honest mistake” ang pagtantiya ni Panelo na nasayang ang P500 milyon, sabay giit na ang P25 milyong araw-araw na gastos ay tumutukoy sa regular na operasyon ng Senado bilang legislative body, at hindi sa gastos sa impeachment proceedings.
“I urge the VP’s spokesman to rectify an obviously misleading figure of P500 million, as I assume it was an honest mistake on his part,” diin ni Lacson.
Idiniin ni Lacson na naglaan ang 2025 General Appropriations Act (GAA) ng P27.5 milyon partikular para sa impeachment proceedings. Saklaw ang pondong ito ng “continuing appropriations” na maaaring obligahin hanggang Disyembre 2026.
Panelo nanindigan
Pinanindigan naman ni Panelo ang kanyang mga sinabi tungkol sa P500 milyong gastos sa impeachment trial para sa mga artikulong binawi ng prosekusyon.
Sa pahayag nitong Miyerkoles, Oktubre 14, hinamon ni Panelo ang paglilinaw ni Lacson na ang P25 milyong gastos kada araw ay para sa buong Senado at hindi sa impeachment trial lamang.
Binanggit pa niya ang naunang pahayag umano ni Gatchalian na hindi magkakaroon ng karagdagang gastos ang impeachment trial dahil katulad lamang ito ng regular plenary session.
“Considering that no other sessions or hearings can be held simultaneously, doesn’t that mean that the Senate effectively spends P25 million per impeachment trial day?” giit ni Panelo.
Ang kanyang pagtantiya umano ay batay sa “desktop research” at umaasa siyang tama ito.
“I hope for the people’s sake that my estimates, like Atty. Cabrera’s, are way off,” sabi ni Panelo.
Ang tinutukoy niya ay ang forensic financial analyst na si Alexander Cabrera na kabilang sa mga testigo ng prosekusyon sa alegasyong may unexplained wealth si Duterte.
“I was simply asking why members of the Senate majority appear unperturbed by that decision, when the time and resources spent on those 20 days could have been used for legislative work and hearings that actually serve the Filipino people,” ayon pa kay Panelo. (Dindo Matining)
impeachment trial.











