Ngayong mainit ang usapin ng Pax Silica na ang sentro ay ang pagproseso sa mga likas na mineral ng Pilipinas, heto naman ang isa pang usapin nahindi dapat ipagwalang‑bahala: ang moratorium sa‘deep seabed mining’ na muling pinagtibay ng African Group sa International Seabed Authority (ISA).
Sa unang tingin, tila malayo sa atin ang desisyonng 47 bansang Afrikano na ipagpatuloy ang tinatawag na ‘precautionary pause.’ Ngunit bilangisang arkipelagong bansa, ang Pilipinas ay direktang nakatali sa anumang hakbang na may kinalaman sa dagat.
Ang ating karagatan ay hindi lamang ruta ng kalakalan o pinagkukunan ng isda, kundi mismongpundasyon ng ating kabuhayan at proteksiyonlaban sa climate change. Kung sisimulan ang pagmimina sa kailaliman nang walang sapat nadatos at regulasyon, tayo ang unang tatamaan ng pinsala.
Hindi rin maikakaila na may pangakong kita ang seabed mining. Ang mga mineral gaya ng cobalt at nickel ay mahalaga sa paggawa ng baterya para sarenewable energy at electric vehicles.
Kung ipagpaliban ang pagmimina, maaaringbumagal ang daloy ng teknolohiyang ito at tumaasang presyo ng mga produktong inaangkat natin. Sa puntong ito, makikita ang tensyon sa pagitanng pangangailangan sa modernong teknolohiya at pangangalaga sa kalikasan.
Ngunit ang mas mabigat na tanong: handa batayong isugal ang ating dagat kapalit ng mabilis nakita? Ang African Group ay naglatag ng malinaw nakondisyon — pondo para sa mga developing countries, mataas na royalties at independent inspection. Kung maisasakatuparan ang mga ito, masisiguro ang patas na benepisyo at mas matibayna proteksiyon laban sa environmental risks.
Para sa Pilipinas, ang aral ay simple ngunitmatindi. Hindi sapat na sumabay sa agos ng pandaigdigang teknolohiya kung kapalit nito ay pagkasira ng yamang‑dagat. Dapat tayong makiisasa panawagan para sa masusing pag‑aaral, mahigpit na regulasyon, at tunay na global equity bago pumasok sa ganitong uri ng pagmimina.
Ang dagat ay hindi lamang mina ng yaman kundimina ng buhay. Kung hindi natin ito iingatan, baka sa halip na ginto at mineral ang makuha, kapahamakan at gutom ang ating kasasadlakan – at dito masusukat kung paano natin pinangangalagaan ang ating palabigasan.











