WebClick Tracer

METRO

Kotse 5 beses binangga ang SUV

ABANTE TONITE

Nahaharap sa walong bilang ng kasong attempte­d murder ang isang 47-an­yos na driver matapos umanong limang ulit na banggain ang isang sports utility vehicle (SUV) sa Lipa City, Batangas na may mga sakay, madaling-araw ng Martes, Oktubre 13.

Batay sa ulat ng pulis­ya, nagsimula ang insidente nang mapansin ng mga sakay ng SUV ang isang pulang Mitsubishi Mirage na bumabagtas sa kabilang linya sa Marawoy intersection, malapit sa Inosluban-Marawoy bypass road.

Sa halip na huminto, sinundan umano ng driver ng Mirage ang puting To­yota Rush, at paulit-ulit itong binangga sa Morada Avenue at JP Laurel Highway.

Dahil sa patuloy na paghabol, nagtungo ang mga sakay ng SUV sa himpilan ng pulisya upang humingi ng tulong, ngunit sinundan pa rin umano sila ng suspek. Wasak ang likurang bahagi ng SUV at ang unahan ng kotse, subalit walang naiulat na nasaktan.

Ayon sa Lipa City Police, ang paulit-ulit na pagbangga ay posibleng nagpapahiwatig ng intensiyong manakit, kaya hindi lamang ito itinuturing na simpleng insidente ng reckless driving­. Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa Land Transportation Office para sa posibleng pagbawi ng lisensiya ng suspek. (Ronilo Dagos)