Tinanguan ni Celtics guard Payton Pritchard ang two-year, $44.2 million (P2.7 bilyon) contract extension sa Boston.
Kinumpira nina CAA co-head of basketball Austin Brown at agent Max Saidman ang deal sa ESPN nitong Martes.
Kabilang si Pritchard sa roster ng Celtics na nagkampeon sa NBA noong 2024 bago naging Sixth Man of the Year noong 2025.
Nag-average ang 6-foot-1 guard ng career-highs sa points (17), rebounds (3.9) at assists (5.2) nitong nakaraang season.
Garantisado na ang two-year max extension niya para tumagal pa sa Boston.
Matatapos ang kasalukuyang kontrata ni Pritchard sa 2028, matatali siya ng karagdagang isang season pa sa C’s.
Tatanggap na si Pritchard ng higit $21M (P1.3B) sa 2028-29 season bago ang mutual option sa 2029-30 na magbubukas din sa posibilidad ng panibagong extension.
Sa papasok na season, tatanggap si Pritchard ng $7.8M (P490.8M) at $8.3M (P522.3M) sa susunod na taon.
Nag-start si Pritchard sa 50 games noong 2025-26 at nadagdagan ang papel sa opensa habang nagpapagaling mula injury si Jayson Tatum.
Kasama si Pritchard, 28, nina Tatum, Derrick White at Antoine Walker sa miyembro ng Celtics na nagpasok ng 200 3-pointers o higit pa sa multiple seasons. (Vladi Eduarte)











