Sa unang pagkakataon, hinarap ni Indiana Pacers star Tyrese Haliburton ang Oklahoma City Thunder sapul nang abutin ng right Achilles tendon injury sa Game 7 ng 2025 NBA Finals.
Sa Paycom Center natapos ang run ni Haliburton sa Finals, natalo pa ang Pacers sa Thunder 103-91 noong June 22, 2025.
Sa opening quarter lang ng deciding game siya nakalaro noon, laglag-balikat na nilisan ang court.
Nagarahe siya ng buong 2025-26 season habang nagpapagaling, ngayon ay unti-unti nang nakakabalik.
Tinapos ng Indiana ang nakaraang season sa 19-63 card.
“16 months of hell,” ang sabi ni Haliburton sa kanyang recovery.
Nilabas ni Haliburton ang pinakamaangas niyang laro nitong Martes ng gabi laban sa OKC.
Tumipa ang guard ng 24 points, 3 assists, 2 blocks sa 18 minutes sa 114-112 overtime loss ng Pacers.
“I thought I would feel maybe a little more emotion coming in here,” pahayag ni Haliburton sa The Oklahoman. “I don’t know if it was sadness or scared or whatever. Once the ball jumped up, it felt just like normal and the shootaround felt like normal, so it wasn’t nearly as bad as I thought it was going to be.”
Impresibo ang kanyang shooting sa 9 of 14 clip, may apat na 3-pointers.
Dadayuhin ng Pacers ang New Orleans Pelicans sa Oct. 22 (araw sa Manila) para umpisahan ang 2026-27 regular season. (Vladi Eduarte)











