Tampok si Kakai Bautista sa pinakabagong episode ng ‘Sessions With Brian Yamsuan‘.
Kilala si Baustista bilang ‘The Dental Diva’ dahil na rin siya ang nagbansag nito sa kanyang sarili sa halip na magpa-bully sa mga namimintas sa kanyang anyo. Ginamit niya ang bansag na ito para makilala at maging tanyag sa industriya ng showbiz at musika.
Pinatunayan ni Kakai na kaya niyang makipagsabayan sa mga magagaling na singer sa mundo ng OPM at gayundin sa mga aktres sa telebisyon at pelikula.
Hindi lamang ang husay sa pagkanta ni Bautista ang matutunghayan sa episode na ito. Magkukuwento rin siya ng kanyang mga pinagdaanang hamon sa buhay, at ang unti-unting pagbuo ng kanyang mga pangarap para sa sarili at sa kanyang pamilya.
Abangan ‘yan ngayong Biyernes, Oct. 16, 10:30 PM sa Bilyonaryo News Channel.
Mapapanood rin ang Sessions With Brian Yamsuan sa Free TV Channel 31 ,Cignal Channel 24
Converge Channel 74 ,Skycable Channel 33 ,Samsung TV Plus
TCL Smart TVs ,Cignal Play at mapapakinggan sa 94.7 FM—Ang Best Friend Mo.











