
Sa isang panayam, nagbigay ng opinyon si Lea Salonga hinggil sa pelikulang “Forgotten Island” na kasalukuyang palabas pa sa mga piling sinehan sa buong bansa.
May mga nagsasabi kasing flop umano ang nasabing pelikula dahil may production budget itong $80 million pero as of this writing ay nakakahamig pa lang umano ito ng $38. 53 million in terms of worldwide gross.
Ito ay kahit pa naglabas na ng press release ang local distributor ng nasabing animated movie sa bansa na kumita na ito ng humigit kumulang na P100 million na maituturing na biggest opening weekend para sa isang DreamWorks Animation movie sa Pinas.
“Just because something has been perceived to not do so great at the box office, all of a sudden, it’s a flop, bulalas niya.
Ayon pa sa Broadway diva, malaking bagay ang tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng producers na maisabuhay ang kuwentong may kakanyahan ng isang Pinoy.
Dagdag pa niya, ang maitampok ang isang konsepto na layuning iangat ang mga Pinoy ay isa nang tagumpay para sa Pinas.
“For me, it’s like, this movie got made. This movie got green-lit. And, you know, DreamWorks could have said, ‘This is not gonna make money,’ hence we will not green-light this. But they still did,” paliwanag niya.
Para sa kanya, isa ring karangalan at accomplishment na mai-showcase sa mundo ang isang kuwentong pamilyar sa kulturang Pinoy.
“There is going to be a segment of the public that will want to see original stories that are set in different parts of the world. And have the wider audience realize that we are not also different from one another, in our dreams and aspirations and our hopes,”hirit niya.
Binigyang diin din niya kung paano naipakita ng pelikula sa buong mundo ang Pinoy mythical creatures tulad ng mga manananggal at tiyanak.
“We got to share our mythology with the world. I still count that as a win,” esplika pa niya.
Hirit pa niya, hindi rin daw makatarungang sabihing flop ang pelikula dahil patuloy pa rin namang palabas ito sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Masaya rin si Lea dahil positibo ang reviews ng pelikula mula sa mga kritiko na nakakuha ng 95% critics’ score sa Rotten Tomatoes.
Hopia rin daw siya na marami pa ang makaka-appreciate ng nabanggit na animated movie feature.
“As long as people go eventually or find it eventually, then it’s still a win because now people know what a manananggal is. It used to be just our people, but now other people know what that’s about and how terrifying it is,” ani Lea.
Ang naturang pelikula ay nagtatampok sa mga boses nina H.E.R., Liza Soberano, Dave Franco, Manny Jacinto, Dolly de Leon, Lea Salonga, Jokoy at marami pang iba.











