WebClick Tracer

NEWS

4 Pinoy damay sa Riyadh airport attack

ABANTE TONITE

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawang Pilipino ang sugatan sa pag-atake sa international airport ng Riyadh sa Saudi Arabia noong Sabado.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, kabilang ang dalawang Pilipino sa mga nasaktan sa ikatlong pag-atake sa paliparan sa loob ng linggong ito. Hindi naman tinukoy sa ulat ang lawak ng tinamong pinsala ng mga ito.
Iniulat ng mga awtoridad ng Saudi na hindi bababa sa 12 ang nasawi, at 309 ang sugatan sa pinakahuling pag-atake.
Batay sa Saudi civil aviation authorities, kabilang sa mga nasawi ang apat na Saudi national, dalawang Bangladeshi at tig-isang mamamayan ng United States, Jordan, Palestine, Syria, Sudan, at Egypt.
Daan-daang biktima ang dinala sa mga ospital kung saan nasa kritikal pang kalagayan ang ilan.
Ayon sa ulat, nangyari ang pag-atake nang walang babala.
Nangyari ang insidente habang pinaiigting ng mga Houthi, na suportado ng Iran, ang kanilang kampanya laban sa Saudi Arabia.
Kaugnay ito ng mas malawak na tunggalian sa rehiyon na may kinalaman sa digmaan ng Iran, Estados Unidos, at Israel. (Issa Santiago)